Ang pamahalaan ang tagabantay sa kapayapaan ng Pilipinas. Sila ang responsable para dadalhin ang bansa sa tamang daanan papunta sa kabutihan. Sila ang nagsiguro na tama ang sitwasyon na niraranas ng bansa at sa mga mamamayan nito. Malaki at sobrang halaga ang papel na ginagampanan ng mga opisyal ng pamahalaan. Nasa kanila ang responsibilidad sa paggabay ng mga tao. Malaki ang impluwensiya nila sa sitwasyon ng bansa. Dahil dito, kailangan alam na alam ng mga opisyal ang papel na ginagampanan nila sa lipunan. Nakalungkot na kabaligtaran ang nangyari sa kasalukuyan.
Walang duda na ang Pilipinas ay isang bansa na sinisira ng kurapsyon. Sanhi ito sa pagiging makasarili ng mga opisyal. Ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan para ipagbuti ang kanilang sarili lamang ngunit nakasira ito sa buhay ng iba. Noong 2012, sinabi na ang Pilipinas ay isa sa pinaka-kurap na bansa sa buong mundo. Nakakuha ng puntos ng 34 sa isang sukat na 1 hanggang 100( 100 ang pinaka- linis), ayon sa pinakabagong Corruption Perceptions Index ng Transparency. Sa parahong taon, tinatayang 25.2% ang Poverty Incidence ng bansa. Proporsyonal ang pagtaas o pagbaba ng korapsyon at kahirapan. Habang tumataba ang mga opisyal ng pamahalaan dahil sa kanilang pag- abuso ng kapangyarihan, patuloy na tumaas ang bilang ng ating mga mamamayan na nalagay sa kahirapan. Maraming opisyal sa ating bansa ay nakiramay sa iba't ibang skandalo na nagkaugnay sa korapsyon at pag- abuso ng kapangyarihan. PDAF scam kung saan kasali ang maraming miyembro ng ating Kongreso at ang maraming mga opisyal na sinasabing kasali sa kalakalan ng droga. Ebidensiya ito sa pagkawalang- galang ng mga opisyal ng pamahalaan sa sarili nilang bayan at sa kanilang mga kababayan.
Sobrang nakalungkot na hindi ito nakita ng lahat ng mga mamamayan. Pinapatuloy pa rin nila ang pagiging tools lamang para makamit ng mga taong ito ang kanilang gusto, gustong makasarili. Palasak ang "vote- buying" sa bansa, at madaling madala ang mga Pilipino sa mga ito. Nagpatuloy pa rin sila sa pagboto sa mga taong walang galang sa kanila. Palagi ba tayong magpadala sa mga pekeng pangako ng mga taong ito? Hindi babago ang ating sitwasyon kung hindi natin baguhin ang ating pananaw sa kanila. Kailangan natin makita ang katotohanan na tinakip ng makapal na plastic. Ang pamahalaan ay hindi binabahagi ng mga opisyal lamang kundi ang mga mamamayan ang aparato na gumalaw nito. Tayo rin ay bahagi ng pamahalaan. Ang mga opisyal ay gabay lamang ngunit nakalimutan na nila ito. Kailangan hindi natin makalimutan na tayo rin ay may kagamitan, hindi lamang paraan para sa mga korapt na opisyal.

Saan ba napunta ang dugo at pawis ng ating mga ninuno para ipagtanggol ang ating bansa? Wala tayong binigay bilang pagsasalamat sa kanila ngunit tinamakan nating ang ating pagkatao sa pagsira ng ating sariling bansa. Ang ating totoong kaaway ay ang ating sarili, ang mga tao na walang ibang gusto kundi ang pagtulong sa kanilang sarili lamang, ang mga taong ginagamit ang kanilang kapangyarihan para ipagbuti ang sarili lamang. Ang mga taong ito ay walang tungkulin, katulad ng aklat na walang laman. Ang isang aklat na walang laman ay walang gamit kundi tatawagin lamang isang aklat. Sino ba tayo? Sino ba talaga ang Pilipino?
Salamat